Tuesday, June 22, 2010

TUNAY NA KASAGUTAN SA PROBLEMA NG EDUKASYON SA PILIPINAS ni Juan dela Cruz

Nakakalungkot isipin na ang pangunahing dahilan kung bakit hindi naipagpa-patuloy ng isang kabataan ang kanyang pag-aaral sa eskwelahan ay dahil sa KAHIRAPAN sa buhay. Ang karaniwang problema ay pamasahe, baon, gamit sa eskwela at pambayad sa mga bayarin na hindi naman talaga dapat bayaran ayon sa Kagawaran ng Edukasyon. Dapat daw ay Libre ang Edukasyon sa mga pampublikong paaralan, pero ang totoo ay hindi naman talaga ito ang katotohanan nangyayari sa bawat paaralan..

Napaka-simple naman ng kasagutan sa mga problema sa sistema ng edukasyon sa ating bansa. Kung ang iniisip nila ay kung saan kukuha ng pondo ang gobyerno para matustusan ang mga kakulangan sa mga pangangailangan dito ay simple ang kasagutan sa problema.. sa ating kapaligiran natin makukuha ang solusyon. Ang Pilipinas ay mayaman sa likas na yaman.. nandiyan ang kagubatan at kabundukan na pangunahing mapagkukunan ng mga kakailanganin sa mga paaralan tulad ng troso na pang-gawa ng papel, at kung anu-ano pang mahalagang pag-ga-gamitan. Ang gobyerno ay may kapangyarihan gamitin ito at paunlarin, ang nakapagtataka bakit hindi maisip ng pamahalaan ang ganitong paraan at bakit inaasa na lang sa paulit ulit na sistema na umiiral na dapat ang mga magulang ang dapat magbigay ng mga ito sa kanilang anak. Ngunit alam naman natin na sa sobrang kahirapan ng mga pamilyang ito ay hindi na naiisip kung paano mapagkakasya ang kakarampot na kinikita sa kung anu-anong trabaho na kanilang pinapasok para lang may maipangtawid sa kanilang sikmura sa araw-araw at hindi na nga nila napagkakasya pa para masuportahan ang edukasyon ng kanilang mga anak. Kung ang gobyerno ang siyang magbibigay ng pangangailan sa mga estudyante siguradong matutugunan nila ang sinasabing LIBRENG EDUKASYON. Paano? Simple ang kasagutan;

Una: kung ang problema ng paaralan ay mga silid-aralan, dapat magkaroon ang gobyerno ng sariling gawaan ng mga kagamitan para sa pagpapatayo ng silid-aralan, tulad ng yero, bakal, semento, hollow blocks, kahoy at iba pa at hindi inaasa sa mga contractors o suppliers na gagawa para sa gobyerno na sa bandang huli ay taong bayan din naman ang talo, dahil alam naman natin na sa iilang tao lamang naman napupunta ang pondo na dapat ay maipang-aayos sa kakulangan tulad ng pagpapatayo ng mga buildings para sa karagdagang silid-aralan ng mga estudyante, mga upuan, blackboard at lamesa na karaniwang kailangan sa isang paaralan. Pero hindi pa ba tayo natuto sa mga pang-uumit ng ilang opisyal ng pamahalaan hanggang kailan ba tayo magbubulag-bulagan sa ganitong sitwasyon na talagang garapalan na nangyayari sa ating pamahalaan, bago maipatupad ang isang programa para pangtugon sa problema ay malaking halaga na ang naibubulsa lamang ng mga corrupt na opisyal at hindi napupunta sa programang nakalaan talaga para dito; sa bandang huli ang problema sa kakulangan ay patuloy pa din umiiral dahil sa sistemang alam naman nating hindi kasagutan sa talagang problema.

Pangalawa: kung ang kailangan ng mga estudyante ay mga gamit sa pag-aaral tulad ng notebook, lapis, libro at ballpen at iba pa.. dapat ay magkaroon ang gobyerno ng sariling gawaan ng mga ito o imprentahan na siyang magpa-pamahagi sa bawat mag-aaral upang kanilang magamit sa kanilang pag-aaral. Kung may sariling gawaan ng libro ang gobyerno siguradong bawat isa sa mga bata sa paaralan ay may kaniya-kaniyang aklat na pag-aaralan. Kung may sariling gawaan ng lapis ang gobyerno, siguradong bawat isang estudyante ay matuto sa pagsusulat. Kung may pagawaan ng notebook ang gobyerno, hindi na kailangan pang mamoblema ang mga magulang kung saan kukuha ng pera para makabili ng isang notebook na alam naman natin na may kamahalan at hindi kayang matugunan para sa kanilang mga anak ang malaking gastusin para dito. Kung ang gobyerno ay talagang seryoso sa ganitong adhikain na ang bawat kabataang Pilipino ay makapag-aral ng libre, ganito dapat ang kanilang unang isipin, na ang gobyerno ang gagawa ng paraan upang matugunan ang kanilang pangangailangan, sa kanila mismo dapat manggaling ang pantugon sa bagay na ito. Upang sa ganun ay maibigay ng pamahalaan ang talagang pagtulong sa bawat kabataang Pilipino na gustong mag-aral.

Kay sarap sanang pakinggan ang bansang, ang gobyerno ay totoong naglilingkod sa kanyang bayan.. Oo madaling sabihin ang mga bagay na ito, pero lubhang mahirap maganap talaga sa totoong buhay dahil ang sistemang umiiral noon at ngayon ay paulit-ulit lang naman na nararanasan ng bawat henerasyon ng mga bagong kabataan at mukhang hindi na mababago pa.. at sa bandang huli ang taong bayan pa rin ang hindi makikinabang sa ganitong sistema at patuloy na aasa kung paano nila maiiaangat ang kanilang antas ng pamumuhay sa lipunan. Dapat baguhin ang sistema, dapat tumingin tayo sa talagang kasagutan kung ano ba talagang sistema ang angkop na dapat gawin para sa problemang nangyayari sa ating bansa. Hindi pa ba natin naiintindihan na ilang dekada na ang lumilipas ngunit ganito pa rin ang sistema na umiiral at paulit-ulit lang naman ang kinalalabasan na problema.. kakulangan ng mga kagamitan para sa pag-aaral ng mga kabataan.

Kung sa unang taon ng bagong halal na pangulo ng Pilipinas na si Noynoy ay magpapatayo ng factory ng notebook, papel, at libro ang pamahalaan para makapag-supply sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.. ang bilyong bilyong piso nakalaan sa pondo ng edukasyon sa pagbili sa mga suppliers ng mga libro ay tiyak na malaki ang matitipid nito kung ang gobyerno ang may sariling makinarya na gagawa para dito at mailalaan ang natipid na pera sa iba pang bagay na mahalaga para sa Edukasyon. Imposible kayang mangyari ito? Sa palagay ko hindi imposible kung pag-aaralan lamang maigi ang mga bagay na ito ng ating pamahalaan. Unti-unting gawin ika nga para kapag dumating ang araw na may pabrika na ng libro, papel, at notebook ang pamahalaan at pabrika na magsu-supply ng mga kagamitang kailangan sa pagbuo ng isang silid aralan at matutugunan na rin nito ang kakulangan sa pabahay ng mga mahihirap nating mamamayan na matagal ng inaasam na magkaroon ng sariling bahay at upang kahit papaano ay makaranas ng kaunting kaginhawaan sa kanilang buhay.

Sana ay dumating ang araw na ito na ang bansang Pilipinas na ang kanyang Pamahalaan ay tunay na tumutugon sa mga pangangailangan ng kaniyang mamamayan para sa ikauunlad ng bawat isang Pilipino.

9 comments:

  1. pautang! pautang !! pautang !!!Naghahanap ka ba ng isang kagalang-galang at kinikilalang pribadong kompanya ng pautang na nagbibigay ng mga pautang para sa pagkakataon sa buhay.Nag-aalok kami ng lahat ng uri ng mga pautang sa isang napakabilis at madaling paraan, mga personal na pautang, mga pautang sa kotse, mga pautang sa mortgage, mga pautang sa mag-aaral, mga pautang sa negosyo, mga pautang sa pamumuhunan, pagpapatatag ng utang at marami pang iba.Mayroon ka bang tinanggihan ng mga bangko at iba pang institusyong pinansyal?Kailangan mo ba ng isang pautang sa pagpapatatag o ng isang mortgage? Huwag kang magmukhang tulad ng narito upang gawin ang lahat ng iyong mga problema sa pananalapi ng isang bagay ng nakaraan.Pinahahalagahan namin ang mga pondo sa mga indibidwal at mga kumpanya na nangangailangan ng tulong sa pananalapi sa isang rate ng 2%.Walang kinakailangang numero ng social security at walang kinakailangang pagsusuri ng kredito, 100% garantisadong.Nais kong gamitin ang daluyan na ito upang ipaalam sa iyo na nagbibigay kami ng mapagkakatiwalaang at suporta sa tulong at magiging masaya kami na mag-alok sa iyo ng isang pautang.Pagkatapos ay ipadala sa amin ang isang email sa: (anitagerardloanfirm@gmail.com) upang mag-aplay para sa isang pautang

    ReplyDelete
  2. masaya ako dito dahil nakuha ko ang pautang ng sampung milyong dolyar mula sa Queen Rania Company; kung ikaw ay nasa insterested sa utang; Mag-email sa kanya sa{queenranialoanleader@hotmail.com} o sa kanyang agent whatsapp + 2348122022637

    ReplyDelete
  3. Paano naging solusyon ang libreng pag aaral sa kahirapan

    ReplyDelete
  4. from unknown yes maybe not just literary be figurative if you have enough knowledge Hindi ka. nila maliliitin makakahanap ka ng magandang trabaho at gaganda buhay mo at makakatulong ka pa pa bayan mo... Think about it most of the large population in one house is those person who didn't care on their education... while those continue there studies have a good life.. because they don't have a good work so they just give more child that add in the population of the earth... the child is not a problem but the problem is how they can take care of there siblings if they didn't have good work...;-) think about it

    ReplyDelete
  5. Interesado ka ba sa mga pautang? Sa RIKA ANDERSON LOAN COMPANY, nag-aalok kami ng lahat ng uri ng pinansiyal na tulong sa lahat ng indibidwal na "personal na pautang, mga pautang sa pamumuhunan, pautang sa pautang sa pautang at mga kumpanya sa pautang sa buong mundo, ang aming interes rate ay 2% kada taon. Nagbibigay din kami ng pinansiyal na payo at tulong sa aming mga kliyente at mga aplikante Kung mayroon kang isang mahusay na proyekto o nais na magsimula ng isang negosyo at kailangan ng pautang upang gastusin ito agad, maaari naming pag-usapan ito, mag-sign isang kontrata at pagkatapos ay pondohan ang iyong proyekto o negosyo para sa iyo kasama ng World Bank at Bank ng Industriya.

    Makipag-ugnay sa RIKA ANDERSON LOAN COMPANY ngayon para sa anumang pera na gusto mo.

    Kategorya ng Negosyo

    Merchandising Business.
    Negosyo sa paggawa
    Hybrid Business.
    Single pagmamay-ari
    Partnership.
    Kumpanya.
    Limitadong kumpanya pananagutan.
    mga personal na utang.
    mga pautang sa pamumuhunan.
    Utang na Utang.
    Home Loan.

    RIKA ANDERSON LOAN COMPANY

    Ang iyong mga pangangailangan sa pananalapi Makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Email:
    Email: rikaandersonloancompany@gmail.com
    Whatsapp: +1 (914) 705-7484

    ReplyDelete
  6. Agree ako sa sinabe mo.kumilos naman sana ang gobyerno para masulosyanan ang isyu toSakit.info

    ReplyDelete
  7. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    ReplyDelete
  8. السلام عليكم!

    اسمي السيد مصطفى ، من القاهرة ، مصر
    أود أن أغتنم هذه الفرصة لأشكر الاتحاد الأوروبي على دعمه لي بقرض قيمته 500 ألف دولار ؛ إنني أقدر بصدق الجهود التي بذلها فريقك ويسعدني جدًا تجاوبهم وحسن توقيتهم وجودة خدمتهم وسلوكهم اللطيف والكفاءة المهنية التي تم بها التعامل مع قضيتي. لقد مددت في الحصول على الموافقة على قرضي ، ونجاح قضيتي يظهر التجربة الثرية التي يتمتع بها فريقك. سأبذل قصارى جهدي لنشر اسم شركتك والخدمات التي تقدمها بين زملائي وأصدقائي وأقاربي وكل موقع. شركة "الاتحاد الأوروبي للقروض" هي الشركة الأكثر صدقًا هنا ، فهي صادقة وحقيقية وجديرة بالثقة. أتمنى لك ولفريقك كل التوفيق. هل أنت في حاجة إلى قرض سريع؟ اذهب إلى أي مكان ....... قرض الاتحاد الأوروبي جاهز لتقديم أي مبلغ لك ؛ ما عليك سوى إرسال رسالة إليهم على بريدهم الإلكتروني على EuropeanUnion_loansyndication@outlook.com أو whatsapp لهم على +393509828434. الحمد لله على كل شيء.

    ReplyDelete
  9. بسم الله الرحمن الرحيم. الحمد لله رب العالمين:

    اسمي فاطمة عبد الله في مسقط ، عمان. لماذا تخسر أموالك للمحتالين من خلال دفع رسوم تسجيل القرض وتحويله لمجرد الحصول على قرض؟ لا تقلق أكثر لأنني هنا لأعرفك على شركة حقيقية وصادقة ؛ لا يحتاجون إلى أي رسوم تسجيل أو تحويل ، فهذه الشركة جديرة بالثقة ومحترمة وصادقة للغاية: يرسلون قرضك بدون أي رسوم ، أنا فقط استلم قرضًا بقيمة 70.000 ريال عماني منهم ؛ بريد إلكتروني على EuropeanUnion_loansyndication@outlook.com أو WhatsApp للاستجابة السريعة على +393509828434 ؛ الحمد لله على كل شيء.

    ReplyDelete